Ang kati ni Lena 5 - Baliktanaw
Ang nakaraan ni Lena, sino si Vivian sa buhay niya? At ano ang natatagong relasyon nito kay Maan. Tunghayan!
Baliktanaw sa nakaraan ni Lena..
Nasa tindahan si Lena, nang biglang mapalingon ang mga nagkukwentuhang kapitbahay sa papalapit na si Vivian. Tulad ng dati, tila huminto ang oras sa bawat eleganteng hakbang niya, parang rumarampa sa isang entablado. Kitang-kita ang mahahaba niyang binti habang suot ang palda na lagpas tuhod, at ang pino kurbada ng kanyang katawan na lalong umigting habang tumatama ang sikat ng araw sa kanya, mistulang nagliliwanag ang kanyang porselanang kutis sa ilalim ng haring araw.
Doon na nagsimula ang pabulong na usapan, "Grabe 'yang si Vivian, ang puti at kinis pa rin! Hindi mo aakalain!" dinig na dinig ni Lena. "Ang galing magdala ng katawan! Parang si Chin-chin Gutierrez kung titingnan noong kasikatan niya!" dagdag nung isa. "Pero ang sabi-sabi, hiwalay na raw sila ng mister niya! Ang dahilan daw? Aba, 'yun na! 'Yun na 'yun!" sabay kindat nung isa.
Maya-maya, napatingin ang isa sa mga kapitbahay kay Lena. "Pero itong si Lena, ha, parang si Vivian din ang dating, maganda na! Dalagang-dalaga na!" ani nung isa, sabay tingin kay Lena na medyo nakakunot na ang noo. "Oo nga! Maganda, pero sana huwag lang matulad sa... alam mo na," bulong nung isa, kasunod ang makahulugang sulyap kay Vivian.
Hindi na natiis ni Lena. Hinarap niya ang mga matang nakatingin sa kanya. "Hindi naman po dapat pag-usapan ang buhay ng may buhay," mahina ngunit malinaw niyang sabi. "Ang mahalaga po, maayos at mabuting tao si Miss Vivian."
Habang nakatingin kay Vivian na nagpapatuloy sa kanyang paglalakad.
⚠ REPORT ABUSE
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.